Patay ang isang motorcycle rider na lasing umano matapos niyang iwasan ang road signages at mahulog sa malaking butas sa kalsada sa Makilala, Cotabato.Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din sa Balitanghali nitong Biyernes, mapanonood na dumiretso ang rider at umiwas sa dalawang road signages sa kalsada sa Barangay Poblacion.Dahil dito, sumalpok sa mga barrier ang motorsiklo bago nahulog sa butas na may tubig kasama ang rider.Ayon sa pulisya, lasing umano ang nasawing biktima.Narekober ang bangkay ng biktima halos kalahating oras makaraang i-report ang insidente.Nakuha rin kalaunan ang ginamit niyang motorsiklo.Ang butas ay bahagi ng road construction project ng Department of Public Works and Highways Region XII.Patuloy na sinusubukan ng GMA Regional TV na kunan ang DPWH Region XII ng pahayag. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News